Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 42 sa 75 • Tagalog


اللَّهُ يَتَوَفَّى الْأَنْفُسَ حِينَ مَوْتِهَا وَالَّتِي لَمْ تَمُتْ فِي مَنَامِهَا ۖ فَيُمْسِكُ الَّتِي قَضَىٰ عَلَيْهَا الْمَوْتَ وَيُرْسِلُ الْأُخْرَىٰ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ 42
Pagsasalin:
Si Allāh ay kumukuha sa mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan ng mga ito at sa [mga kaluluwa ng] mga hindi namatay sa pagtulog ng mga ito. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] nagtadhana Siya sa mga ito ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga iba pa hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. Az-Zumar 39:42
Tafsīr:
Si Allāh ay humahawak sa mga kaluluwa sa sandali ng pagwakas ng mga taning ng mga ito at humahawak sa mga kaluluwang hindi pa natapos ang mga taning ng mga ito sa sandali ng pagtulog. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] hinatulan Niya ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga hindi pa Niya hinatulan [ng kamatayan] hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na sa gayong paghawak at pagpapawala at pagbibigay-kamatayan at pagbibigay-buhay ay talagang may mga katunayan para sa mga taong nag-iisip-isip na ang gumagawa niyon ay nakakakaya sa pagbuhay na muli sa mga tao matapos ng kamatayan nila para sa pagtutuos at pagganti.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 41 Susunod Az-Zumar • Talata 43