O gumawa ba sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga tagapagpamagitan? Sabihin mo: “Kahit ba sila ay hindi nakapangyayari sa anuman at hindi nakapag-uunawa?” Az-Zumar 39:43 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang gumawa ang mga tagapagtambal ng mga anito nila bilang mga tagapamagitan, na umaasa sila sa ganang mga ito ng pakinabang bukod pa kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Gumagawa ba kayo sa kanila bilang mga tagapamagitan kahit pa man nangyaring sila ay hindi nakapangyayari sa inyo ni sa mga sarili ninyo sa anuman at hindi nakapag-uunawa sapagkat sila ay mga walang-buhay, na mga piping hindi nagsasalita, hindi nakaririnig, hindi nakakikita, hindi nakapagpapakinabang, at hindi nakapipinsala?"