Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 42)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Si Allāh ay kumukuha sa mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan ng mga ito at sa [mga kaluluwa ng] mga hindi namatay sa pagtulog ng mga ito. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] nagtadhana Siya sa mga ito ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga iba pa hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. (42)
Tafsīr
Si Allāh ay humahawak sa mga kaluluwa sa sandali ng pagwakas ng mga taning ng mga ito at humahawak sa mga kaluluwang hindi pa natapos ang mga taning ng mga ito sa sandali ng pagtulog. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] hinatulan Niya ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga hindi pa Niya hinatulan [ng kamatayan] hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na sa gayong paghawak at pagpapawala at pagbibigay-kamatayan at pagbibigay-buhay ay talagang may mga katunayan para sa mga taong nag-iisip-isip na ang gumagawa niyon ay nakakakaya sa pagbuhay na muli sa mga tao matapos ng kamatayan nila para sa pagtutuos at pagganti.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: