Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 45

وَإِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَحْدَهُ اشْمَأَزَّتْ قُلُوبُ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ ۖ وَإِذَا ذُكِرَ الَّذِينَ مِنْ دُونِهِ إِذَا هُمْ يَسْتَبْشِرُونَ 45 ٤٥

Kapag binanggit si Allāh nang mag-isa, nangririmarim ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay. Kapag binanggit ang mga [sinasamba nila] bukod pa sa Kanya, biglang sila ay nagagalak. (45)

Tafsīr
Kapag binanggit si Allāh nang mag-isa, tumututol ang mga puso ng mga tagapagtambal na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon gaya ng pagbubuhay na muli, pagtutuos, at pagganti. Kapag binanggit ang mga anitong sinasamba nila bukod pa kay Allāh, biglang sila ay mga napasasaya, mga natutuwa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba