Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 49)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya kapag may sumaling sa tao na isang pinsala ay dumadalangin siya sa Amin. Pagkatapos kapag gumawad Kami sa kanya ng isang biyaya mula sa Amin ay nagsasabi siya: “Binigyan lamang ako nito dahil sa kaalaman.” Bagkus ito ay isang pagsubok, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (49)
Tafsīr
Kapag may tumama sa taong tagatangging sumampalataya na isang karamdaman o isang karukhaan at gaya nito ay dumadalangin siya sa Amin para pawiin Namin sa kanya ang tumama sa kanya mula roon. Pagkatapos kapag nagbigay Kami sa kanya ng isang biyaya gaya ng kalusugan o yaman ay nagsasabi siya: "Nagbigay lamang sa akin si Allāh niyon dahil sa kaalaman Niya na ako ay nagiging karapat-dapat doon." Ang tumpak ay na iyon ay isang pagsusulit at pagpapain, subalit ang karamihan sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakaaalam niyon kaya nalilinlang sila dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: