Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 49 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 49 sa 75 • Tagalog


فَإِذَا مَسَّ الْإِنْسَانَ ضُرٌّ دَعَانَا ثُمَّ إِذَا خَوَّلْنَاهُ نِعْمَةً مِنَّا قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ ۚ بَلْ هِيَ فِتْنَةٌ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 49
Pagsasalin:
Kaya kapag may sumaling sa tao na isang pinsala ay dumadalangin siya sa Amin. Pagkatapos kapag gumawad Kami sa kanya ng isang biyaya mula sa Amin ay nagsasabi siya: “Binigyan lamang ako nito dahil sa kaalaman.” Bagkus ito ay isang pagsubok, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. Az-Zumar 39:49
Tafsīr:
Kapag may tumama sa taong tagatangging sumampalataya na isang karamdaman o isang karukhaan at gaya nito ay dumadalangin siya sa Amin para pawiin Namin sa kanya ang tumama sa kanya mula roon. Pagkatapos kapag nagbigay Kami sa kanya ng isang biyaya gaya ng kalusugan o yaman ay nagsasabi siya: "Nagbigay lamang sa akin si Allāh niyon dahil sa kaalaman Niya na ako ay nagiging karapat-dapat doon." Ang tumpak ay na iyon ay isang pagsusulit at pagpapain, subalit ang karamihan sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakaaalam niyon kaya nalilinlang sila dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 48 Susunod Az-Zumar • Talata 50