Matatambad sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila [na malalaking kasalanan] at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya. Az-Zumar 39:48 ⧉
Tafsīr:
Lilitaw sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila na shirk at mga pagsuway, at lilibot sa kanila ang pagdurusa, na sila dati, kapag ipinangamba sa kanila ito sa Mundo, ay kumukutya rito.