Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 53)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 53

قُلْ يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ أَسْرَفُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ لَا تَقْنَطُوا مِنْ رَحْمَةِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ 53 ٥٣

Sabihin mo [O Propeta na sinabi Ko]: “O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh; tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” (53)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na lumampas sa hangganan laban sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa awa ni Allāh at sa kapatawaran Niya sa mga pagkakasala ninyo. Tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kabuuan ng mga ito sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagbabalik-loob, ang Maawain sa kanila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba