Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 53 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 53 sa 75 • Tagalog


قُلْ يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ أَسْرَفُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ لَا تَقْنَطُوا مِنْ رَحْمَةِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ 53
Pagsasalin:
Sabihin mo [O Propeta na sinabi Ko]: “O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh; tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” Az-Zumar 39:53
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na lumampas sa hangganan laban sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa awa ni Allāh at sa kapatawaran Niya sa mga pagkakasala ninyo. Tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kabuuan ng mga ito sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagbabalik-loob, ang Maawain sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 52 Susunod Az-Zumar • Talata 54