Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 52 sa 75 • Tagalog


أَوَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 52
Pagsasalin:
Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloloob Niya]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya. Az-Zumar 39:52
Tafsīr:
Nagsabi ba ang mga tagapagtambal na ito ng sinabi nila at hindi sila nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok dito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob Niya bilang pagsusulit dito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh? Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapaluwang sa panustos at pagpapasikip dito ay talagang may mga katunayan sa pangangasiwa ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga katunayan. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, sila ay dumaraan sa mga ito samantalang sila sa mga ito ay mga umaayaw.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 51 Susunod Az-Zumar • Talata 53