Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 63)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 63

لَهُ مَقَالِيدُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ 63 ٦٣

Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi. (63)

Tafsīr
Sa Kanya lamang ang mga susi ng mga imbakan ng mga biyaya sa mga langit at lupa. Nagkakaloob Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya at pumipigil Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagkakait sa kanila ng pananampalataya sa buhay nila sa Mundo at dahil sa pagpasok nila sa Apoy bilang mga mananatili roon sa Kabilang-buhay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba