Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 67

وَمَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ وَالْأَرْضُ جَمِيعًا قَبْضَتُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَالسَّمَاوَاتُ مَطْوِيَّاتٌ بِيَمِينِهِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ 67 ٦٧

Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya samantalang ang lupa ay lahatang isang dakot Niya sa Araw ng Pagbangon at ang mga langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila sa Kanya. (67)

Tafsīr
Hindi sila dumakila kay Allāh ang mga tagapagtambal nang totoong pagdakila sa Kanya nang nagtambal sila sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niyang mahihinang walang-kakayahan. Nalingat sila sa kakayahan ni Allāh, na kabilang sa mga paglalantad nito ay na ang lupa kalakip ng anumang narito na mga bundok, mga punong-kahoy, mga ilog, at mga dagat sa Araw ng Pagkabuhay ay nasa isang dakot Niya, at na ang pitong langit sa kabuuan ng mga ito ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Nagpawalang-kapintasan Siya, nagpakabanal Siya, at pagkataas-taas Siya higit sa anumang sinasabi at pinaniniwalaan sa Kanya ng mga tagapagtambal.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba