Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 67 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 67 sa 75 • Tagalog


وَمَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ وَالْأَرْضُ جَمِيعًا قَبْضَتُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَالسَّمَاوَاتُ مَطْوِيَّاتٌ بِيَمِينِهِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ 67
Pagsasalin:
Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya samantalang ang lupa ay lahatang isang dakot Niya sa Araw ng Pagbangon at ang mga langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila sa Kanya. Az-Zumar 39:67
Tafsīr:
Hindi sila dumakila kay Allāh ang mga tagapagtambal nang totoong pagdakila sa Kanya nang nagtambal sila sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niyang mahihinang walang-kakayahan. Nalingat sila sa kakayahan ni Allāh, na kabilang sa mga paglalantad nito ay na ang lupa kalakip ng anumang narito na mga bundok, mga punong-kahoy, mga ilog, at mga dagat sa Araw ng Pagkabuhay ay nasa isang dakot Niya, at na ang pitong langit sa kabuuan ng mga ito ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Nagpawalang-kapintasan Siya, nagpakabanal Siya, at pagkataas-taas Siya higit sa anumang sinasabi at pinaniniwalaan sa Kanya ng mga tagapagtambal.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 66 Susunod Az-Zumar • Talata 68