Bagkus kay Allāh ay sumamba ka at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat. Az-Zumar 39:66 ⧉
Tafsīr:
Bagkus sumamba ka kay Allāh lamang, huwag kang magtambal sa Kanya ng isa man, at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat sa Kanya sa mga biyaya Niya na ibiniyaya Niya sa iyo.