Iihip sa tambuli saka mahihimatay ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Pagkatapos iihip dito sa muli, saka biglang sila ay mga nakatayo, na nakatingin [sa gagawin ni Allāh]. Az-Zumar 39:68 ⧉
Tafsīr:
Sa Araw na iihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay, mamamatay ang bawat sinumang nasa mga langit at sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh ang kawalan ng kamatayan nito. Pagkatapos iihip dito ang anghel sa ikalawang pagkakataon para sa pagbuhay, saka biglang ang lahat ng mga buhay ay mga nakatayo, na nakatingin sa anumang gagawin ni Allāh sa kanila.