Sisikat ang lupa sa liwanag ng Panginoon nito, ilalagay ang talaan [ng mga gawa], dadalhin ang mga propeta at ang mga saksi, at maghuhusga sa pagitan nila ayon sa katotohanan habang sila ay nilalabag sa katarungan. Az-Zumar 39:69 ⧉
Tafsīr:
Tatanglaw ang lupa kapag nalantad ang Panginoon ng Kapangyarihan para sa pagpapasya sa pagitan ng mga tao. Ilalatag ang mga kalatas ng mga gawa ng mga tao. Ihahatid ang mga propeta at ihahatid ang kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang sumaksi sa mga propeta laban sa mga tao nila. Hahatol si Allāh sa pagitan nilang lahat ayon sa katarungan. Sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa Araw na iyon kaya, naman hindi madaragdagan ang isang tao ng isang masagwang gawa at hindi siya mababawasan ng isang magandang gawa.