Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 74)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 74

وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي صَدَقَنَا وَعْدَهُ وَأَوْرَثَنَا الْأَرْضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ الْجَنَّةِ حَيْثُ نَشَاءُ ۖ فَنِعْمَ أَجْرُ الْعَامِلِينَ 74 ٧٤

Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya at nagpamana sa amin ng lupain [ng Paraiso]. Manunuluyan kami sa Paraiso saanman namin loloobin. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa [ng mabuti]!” (74)

Tafsīr
Magsasabi ang mga mananampalataya noong nakapasok sila sa Paraiso: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya na ipinangako Niya sa amin ayon sa mga pananalita ng mga sugo Niya sapagkat nangako Siya sa amin na papasukin kami sa Paraiso. Nagpamana Siya sa amin ng lupa ng Paraiso; manunuluyan kami mula roon sa pook na loloobin namin na manuluyan. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa na gumagawa ng mga gawang maayos sa paghahangad ng [ikasisiya ng] mukha ng Panginoon nila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba