Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 74 sa 75 • Tagalog


وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي صَدَقَنَا وَعْدَهُ وَأَوْرَثَنَا الْأَرْضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ الْجَنَّةِ حَيْثُ نَشَاءُ ۖ فَنِعْمَ أَجْرُ الْعَامِلِينَ 74
Pagsasalin:
Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya at nagpamana sa amin ng lupain [ng Paraiso]. Manunuluyan kami sa Paraiso saanman namin loloobin. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa [ng mabuti]!” Az-Zumar 39:74
Tafsīr:
Magsasabi ang mga mananampalataya noong nakapasok sila sa Paraiso: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya na ipinangako Niya sa amin ayon sa mga pananalita ng mga sugo Niya sapagkat nangako Siya sa amin na papasukin kami sa Paraiso. Nagpamana Siya sa amin ng lupa ng Paraiso; manunuluyan kami mula roon sa pook na loloobin namin na manuluyan. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa na gumagawa ng mga gawang maayos sa paghahangad ng [ikasisiya ng] mukha ng Panginoon nila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 73 Susunod Az-Zumar • Talata 75