Aakayin ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila patungo sa Paraiso nang [nagkasunud-sunod na] pangkat-pangkat; hanggang sa nang dumating sila roon ay bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Kapayapaan ay sumainyo! Nagpakaaya-aya kayo kaya pumasok kayo rito bilang mga mananatili.” Az-Zumar 39:73 ⧉
Tafsīr:
Aakay ang mga anghel nang may kalumayan sa mga mananampalataya na nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya patungo sa Paraiso sa mga pangkat na pinararangalan hanggang sa, kapag dumating sila sa Paraiso, bubuksan para sa kanila ang mga pintuan niyon. Magsasabi sa kanila ng mga anghel na itinalaga roon: "Kapayapaan ay sumainyo mula sa bawat pinsala at mula sa bawat kinasusuklaman ninyo. Nagpakaaya-aya ang mga puso ninyo at ang mga gawa ninyo kaya pumasok kayo sa Paraiso bilang mga mamamalagi rito magpakailanman."