Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 100)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang sinumang lilikas ayon sa landas ni Allāh ay makatatagpo siya sa lupa ng maraming malilipatan at kasaganaan. Ang sinumang lilisan mula sa bahay niya nang lumilikas tungo kay Allāh at sa Sugo Nito, pagkatapos aabutan siya ng kamatayan, ay napagtibay na ang pabuya sa kanya kay Allāh. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (100)
Tafsīr
Ang sinumang lilikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya papunta sa bayan ng Islām sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh ay makatatagpo siya sa lupang lilikasan niya ng isang malilipatan at isang lupaing iba sa lupang iniwan niya. Magtatamo siya roon ng karangalan at masaganang panustos. Ang sinumang lilisan mula sa bahay niya nang lumilikas tungo kay Allāh at sa Sugo Nito, pagkatapos bababa sa kanya ang kamatayan bago ng pag-abot niya sa lilikasan niya, ay napagtibay na ang pabuya sa kanya kay Allāh. Hindi makapipinsala sa kanya na siya ay hindi umabot sa lilikasan niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: