Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 100 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 100 sa 176 • Tagalog


وَمَنْ يُهَاجِرْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ يَجِدْ فِي الْأَرْضِ مُرَاغَمًا كَثِيرًا وَسَعَةً ۚ وَمَنْ يَخْرُجْ مِنْ بَيْتِهِ مُهَاجِرًا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ ثُمَّ يُدْرِكْهُ الْمَوْتُ فَقَدْ وَقَعَ أَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 100
Pagsasalin:
Ang sinumang lilikas ayon sa landas ni Allāh ay makatatagpo siya sa lupa ng maraming malilipatan at kasaganaan. Ang sinumang lilisan mula sa bahay niya nang lumilikas tungo kay Allāh at sa Sugo Nito, pagkatapos aabutan siya ng kamatayan, ay napagtibay na ang pabuya sa kanya kay Allāh. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. An-Nisā’ 4:100
Tafsīr:
Ang sinumang lilikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya papunta sa bayan ng Islām sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh ay makatatagpo siya sa lupang lilikasan niya ng isang malilipatan at isang lupaing iba sa lupang iniwan niya. Magtatamo siya roon ng karangalan at masaganang panustos. Ang sinumang lilisan mula sa bahay niya nang lumilikas tungo kay Allāh at sa Sugo Nito, pagkatapos bababa sa kanya ang kamatayan bago ng pag-abot niya sa lilikasan niya, ay napagtibay na ang pabuya sa kanya kay Allāh. Hindi makapipinsala sa kanya na siya ay hindi umabot sa lilikasan niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 99 Susunod An-Nisā’ • Talata 101