Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 101 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 101 sa 176 • Tagalog


وَإِذَا ضَرَبْتُمْ فِي الْأَرْضِ فَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَقْصُرُوا مِنَ الصَّلَاةِ إِنْ خِفْتُمْ أَنْ يَفْتِنَكُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ إِنَّ الْكَافِرِينَ كَانُوا لَكُمْ عَدُوًّا مُبِينًا 101
Pagsasalin:
Kapag naglakbay kayo sa lupa ay hindi sa inyo maisisi na magpaikli kayo ng dasal kung nangamba kayo na ligaligin kayo ng mga tumangging sumampalataya. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya laging para sa inyo ay kaaway na malinaw. An-Nisā’ 4:101
Tafsīr:
Kapag naglakbay kayo sa lupa ay wala sa inyong kasalanan sa pagpapaikli ng dasal na apatang rak`ah: mula sa apat na rak`ah para maging dalawang rak`ah, kung nangamba kayo na may umabot sa inyo na isang nakasusuklam mula sa mga tagatangging sumampalataya. Tunay na ang pangangaway ng mga tagatangging sumampalataya para sa inyo ay isang pangangaway na nakalantad na malinaw na malinaw. Napagtibay nga sa tumpak na sunnah ang pagpayag sa pagpapaikli [ng dasal] sa paglalakbay sa sandali ng katiwasayan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 100 Susunod An-Nisā’ • Talata 102