Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 101)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 101

وَإِذَا ضَرَبْتُمْ فِي الْأَرْضِ فَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَقْصُرُوا مِنَ الصَّلَاةِ إِنْ خِفْتُمْ أَنْ يَفْتِنَكُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ إِنَّ الْكَافِرِينَ كَانُوا لَكُمْ عَدُوًّا مُبِينًا 101 ١٠١

Kapag naglakbay kayo sa lupa ay hindi sa inyo maisisi na magpaikli kayo ng dasal kung nangamba kayo na ligaligin kayo ng mga tumangging sumampalataya. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya laging para sa inyo ay kaaway na malinaw. (101)

Tafsīr
Kapag naglakbay kayo sa lupa ay wala sa inyong kasalanan sa pagpapaikli ng dasal na apatang rak`ah: mula sa apat na rak`ah para maging dalawang rak`ah, kung nangamba kayo na may umabot sa inyo na isang nakasusuklam mula sa mga tagatangging sumampalataya. Tunay na ang pangangaway ng mga tagatangging sumampalataya para sa inyo ay isang pangangaway na nakalantad na malinaw na malinaw. Napagtibay nga sa tumpak na sunnah ang pagpayag sa pagpapaikli [ng dasal] sa paglalakbay sa sandali ng katiwasayan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba