Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 104)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 104

وَلَا تَهِنُوا فِي ابْتِغَاءِ الْقَوْمِ ۖ إِنْ تَكُونُوا تَأْلَمُونَ فَإِنَّهُمْ يَأْلَمُونَ كَمَا تَأْلَمُونَ ۖ وَتَرْجُونَ مِنَ اللَّهِ مَا لَا يَرْجُونَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا 104 ١٠٤

Huwag kayong panghinaan ng loob sa pagtugis sa mga tao [na kaaway]. Kung kayo ay nasasaktan, tunay na sila ay nasasaktan kung paanong nasasaktan kayo. Nakaasam kayo mula kay Allāh ng hindi sila nakaaasam. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. (104)

Tafsīr
Huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, at huwag kayong tamarin sa paghanap sa kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Kung kayo ay nasasaktan sa tumama sa inyo na pagpatay at pagkasugat, tunay na sila ay gayon din: nasasaktan sila kung paanong nasasaktan kayo at dumadapo sa kanila ang tulad ng dumadapo sa inyo. Kaya ang pagtitiis nila ay huwag maging higit na malaki kaysa sa pagtitiis ninyo sapagkat tunay na kayo ay nakaaasam mula kay Allāh ng gantimpala, pag-aadya, at pag-aayuda, na hindi sila nakaaasam. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba