Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 108)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagpapakubli sila mula sa mga tao [ng pagsuway] ngunit hindi sila nagpapakubli [nito] mula kay Allāh at Siya ay kasama sa kanila noong nagpapanukala sila sa magdamag ng anumang hindi Siya nalulugod na sinasabi. Laging si Allāh, sa anumang ginagawa nila, ay Tagapaligid. (108)
Tafsīr
Nakapaglilihim sila mula sa mga tao sa sandali ng pagkagawa nila ng isang pagsuway dala ng pangamba at pagkahiya at hindi sila nakapaglilihim mula kay Allāh. Siya ay kasama sa kanila sa pamamagitan ng pagkakasaklaw Niya sa kanila. Walang naikukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman nang nagpapanukala sila nang pakubli ng anumang hindi Siya nalulugod na sinasabi gaya ng pagtatanggol sa nagkakasala at pagpaparatang sa inosente. Laging si Allāh, sa anumang ginagawa nila nang palihim at hayagan, ay Tagapalibot: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: