Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 113)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 113

وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ وَرَحْمَتُهُ لَهَمَّتْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ أَنْ يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ ۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِنْ شَيْءٍ ۚ وَأَنْزَلَ اللَّهُ عَلَيْكَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمْ تَكُنْ تَعْلَمُ ۚ وَكَانَ فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ عَظِيمًا 113 ١١٣

Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa iyo at sa awa Niya ay talaga sanang may nagbalak na isang pangkatin kabilang sa kanila [nagtataksil sa mga sarili] na magligaw sila sa iyo ngunit hindi sila nagliligaw kundi sa mga sarili nila at hindi sila nakapipinsala sa iyo ng anuman. Nagpababa si Allāh sa iyo ng Aklat at Karunungan at nagturo Siya sa iyo ng hindi mo noon nalalaman. Laging ang kabutihang-loob ni Allāh sa iyo ay sukdulan. (113)

Tafsīr
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa iyo, O Sugo, sa pamamagitan ng pagsasanggalang sa iyo ay talaga sanang may nagpasyang isang lipon kabilang sa mga nagtataksil na ito sa mga sarili nila na magligaw sa iyo palayo sa katotohanan kaya hahatol ka ng hindi sa katarungan. Hindi sila nagliligaw, sa totoo, kundi sa mga sarili nila dahil ang kahihinatnan ng ginawa nila na pagtatangka ng pagliligaw ay babalik sa kanila. Hindi sila nakakakaya sa pananakit sa iyo dahil sa pagsasanggalang ni Allāh sa iyo. Nagpababa si Allāh sa iyo ng Qur'ān at Sunnah at nagturo Siya sa iyo mula sa patnubay at liwanag ng hindi mo dati nalalaman bago niyon. Laging ang kabutihang-loob ni Allāh sa iyo, dahil sa pagkapropeta at pagsasanggalang, ay sukdulan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba