Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 113 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 113 sa 176 • Tagalog


وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ وَرَحْمَتُهُ لَهَمَّتْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ أَنْ يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ ۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِنْ شَيْءٍ ۚ وَأَنْزَلَ اللَّهُ عَلَيْكَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمْ تَكُنْ تَعْلَمُ ۚ وَكَانَ فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكَ عَظِيمًا 113
Pagsasalin:
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa iyo at sa awa Niya ay talaga sanang may nagbalak na isang pangkatin kabilang sa kanila [nagtataksil sa mga sarili] na magligaw sila sa iyo ngunit hindi sila nagliligaw kundi sa mga sarili nila at hindi sila nakapipinsala sa iyo ng anuman. Nagpababa si Allāh sa iyo ng Aklat at Karunungan at nagturo Siya sa iyo ng hindi mo noon nalalaman. Laging ang kabutihang-loob ni Allāh sa iyo ay sukdulan. An-Nisā’ 4:113
Tafsīr:
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa iyo, O Sugo, sa pamamagitan ng pagsasanggalang sa iyo ay talaga sanang may nagpasyang isang lipon kabilang sa mga nagtataksil na ito sa mga sarili nila na magligaw sa iyo palayo sa katotohanan kaya hahatol ka ng hindi sa katarungan. Hindi sila nagliligaw, sa totoo, kundi sa mga sarili nila dahil ang kahihinatnan ng ginawa nila na pagtatangka ng pagliligaw ay babalik sa kanila. Hindi sila nakakakaya sa pananakit sa iyo dahil sa pagsasanggalang ni Allāh sa iyo. Nagpababa si Allāh sa iyo ng Qur'ān at Sunnah at nagturo Siya sa iyo mula sa patnubay at liwanag ng hindi mo dati nalalaman bago niyon. Laging ang kabutihang-loob ni Allāh sa iyo, dahil sa pagkapropeta at pagsasanggalang, ay sukdulan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 112 Susunod An-Nisā’ • Talata 114