Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 114 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 114 sa 176 • Tagalog


لَا خَيْرَ فِي كَثِيرٍ مِنْ نَجْوَاهُمْ إِلَّا مَنْ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوْ مَعْرُوفٍ أَوْ إِصْلَاحٍ بَيْنَ النَّاسِ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ ابْتِغَاءَ مَرْضَاتِ اللَّهِ فَسَوْفَ نُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا 114
Pagsasalin:
Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng isang kawanggawa o isang nakabubuti o isang pagsasaayos sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh ay magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. An-Nisā’ 4:114
Tafsīr:
Walang mabuti sa maraming pag-uusap na inililihim ng mga tao at walang pakinabang mula rito, maliban kung ang pag-uusap nila ay isang pag-uutos sa isang pagkakawanggawa o isang nakabubuting inihatid ng batas ng Islām at pinatunayan ng isip o isang paanyaya sa pagsasaayos sa pagitan ng mga nagsisigalutan. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahanap ng pagkalugod ni Allāh ay bibigyan siya ng isang gantimpalang sukdulan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 113 Susunod An-Nisā’ • Talata 115