Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 116)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad sa anumang bukod pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malayo. (116)
Tafsīr
Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya, bagkus magpapanatili Siya sa tagapagtambal sa Apoy, at magpapatawad sa anuman bukod pa sa Shirk na mga pagsuway sa sinumang loloobin Niya dahil sa awa Niya at kabutihang-loob Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng isa man ay nalihis nga sa katotohanan at napalayo buhat dito nang pagkakalayong marami dahil siya ay nagpapantay sa pagitan ng Tagapaglikha at nilikha.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: