Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 123)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 123

لَيْسَ بِأَمَانِيِّكُمْ وَلَا أَمَانِيِّ أَهْلِ الْكِتَابِ ۗ مَنْ يَعْمَلْ سُوءًا يُجْزَ بِهِ وَلَا يَجِدْ لَهُ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا 123 ١٢٣

Hindi ito alinsunod sa mga mithiin ninyo ni mga mithiin ng mga May Kasulatan. Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan ay gagantihan siya dahil dito at hindi siya makatatagpo para sa kanya bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. (123)

Tafsīr
Ang usapin ng kaligtasan at tagumpay ay hindi sumusunod sa minimithi ninyo, O mga Muslim, o sa minimithi ng mga May Kasulatan, bagkus ang usapin ay sumusunod sa gawa. Kaya ang sinumang gumagawa kabilang sa inyo ng isang gawaing masagwa ay gagantihan dahil dito sa Araw ng Pagbangon. Hindi siya makatatagpo para sa kanya bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik na magdudulot sa kanya ng kapakinabangan, ni ng isang mapag-adyang magtutulak palayo sa kanya ng kapinsalaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba