Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 128)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung ang isang babae ay nangamba mula sa asawa niya ng isang kasutilan o isang pag-ayaw, walang maisisisi sa kanilang dalawa na magsaayos silang dalawa sa pagitan nilang dalawa ayon sa isang pag-aayos. Ang pag-aayos ay higit na mabuti. Pinagdala ang mga kaluluwa ng kasakiman. Kung gumagawa kayo ng maganda at nangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. (128)
Tafsīr
Kung nangamba ang isang babae mula sa asawa niya ng pagkapalalo sa kanya at kawalan ng pagkaibig sa kanya, walang kasalanan sa kanilang dalawa na magkasunduan silang dalawa sa pamamagitan ng pagpapaubaya sa ilan sa mga karapatang kinakailangan para sa babae gaya ng karapatan sa sustento at oras sa gabi. Ang pagkakasundo rito ay higit na mabuti para sa kanilang dalawa kaysa sa diborsiyo. Nilalang nga ang mga kaluluwa sa kalikasan ng karamutan at kasibaan kaya hindi nakaiibig ang mga ito sa pagpapaubaya sa anumang karapatang mayroon ang mga ito. Kaya nararapat sa mag-asawa ang paglunas sa ugaling ito sa pamamagitan ng paghuhubog sa kaluluwa sa pagbibigayan at paggawa ng maganda. Kung gagawa kayo ng maganda sa lahat ng mga pumapatungkol sa inyo at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa inyo dahil dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: