Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 128 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 128 sa 176 • Tagalog


وَإِنِ امْرَأَةٌ خَافَتْ مِنْ بَعْلِهَا نُشُوزًا أَوْ إِعْرَاضًا فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا أَنْ يُصْلِحَا بَيْنَهُمَا صُلْحًا ۚ وَالصُّلْحُ خَيْرٌ ۗ وَأُحْضِرَتِ الْأَنْفُسُ الشُّحَّ ۚ وَإِنْ تُحْسِنُوا وَتَتَّقُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا 128
Pagsasalin:
Kung ang isang babae ay nangamba mula sa asawa niya ng isang kasutilan o isang pag-ayaw, walang maisisisi sa kanilang dalawa na magsaayos silang dalawa sa pagitan nilang dalawa ayon sa isang pag-aayos. Ang pag-aayos ay higit na mabuti. Pinagdala ang mga kaluluwa ng kasakiman. Kung gumagawa kayo ng maganda at nangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. An-Nisā’ 4:128
Tafsīr:
Kung nangamba ang isang babae mula sa asawa niya ng pagkapalalo sa kanya at kawalan ng pagkaibig sa kanya, walang kasalanan sa kanilang dalawa na magkasunduan silang dalawa sa pamamagitan ng pagpapaubaya sa ilan sa mga karapatang kinakailangan para sa babae gaya ng karapatan sa sustento at oras sa gabi. Ang pagkakasundo rito ay higit na mabuti para sa kanilang dalawa kaysa sa diborsiyo. Nilalang nga ang mga kaluluwa sa kalikasan ng karamutan at kasibaan kaya hindi nakaiibig ang mga ito sa pagpapaubaya sa anumang karapatang mayroon ang mga ito. Kaya nararapat sa mag-asawa ang paglunas sa ugaling ito sa pamamagitan ng paghuhubog sa kaluluwa sa pagbibigayan at paggawa ng maganda. Kung gagawa kayo ng maganda sa lahat ng mga pumapatungkol sa inyo at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa inyo dahil dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 127 Susunod An-Nisā’ • Talata 129