Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 129 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 129 sa 176 • Tagalog


وَلَنْ تَسْتَطِيعُوا أَنْ تَعْدِلُوا بَيْنَ النِّسَاءِ وَلَوْ حَرَصْتُمْ ۖ فَلَا تَمِيلُوا كُلَّ الْمَيْلِ فَتَذَرُوهَا كَالْمُعَلَّقَةِ ۚ وَإِنْ تُصْلِحُوا وَتَتَّقُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا 129
Pagsasalin:
Hindi kayo makakakaya na magmakatarungan sa mga maybahay [sa damdamin] kahit pa nagsigasig kayo. Kaya huwag kayong kumiling nang buong pagkiling [sa isa] para magpabaya kayo sa iba gaya ng nakabitin [sa alanganin]. Kung magsasaayos kayo at mangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain. An-Nisā’ 4:129
Tafsīr:
Hindi kayo makakakaya, O mga asawa, na magkaloob ng lubos na katarungan sa mga maybahay kaugnay sa pagkiling pampuso kahit pa nagsigasig kayo roon dahilan sa mga bagay-bagay na marahil ay labas sa pagnanais ninyo. Kaya huwag kayong kumiling nang buong pagkiling palayo sa hindi ninyo iniibig para maiwan ninyo ito tulad ng nakabitin [sa alanganin]: hindi ito may asawang nagtataguyod sa karapatan nito at hindi naman walang asawa para magmithi ito ng pag-aasawa. Kung magsasaayos kayo sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng paghimok sa mga sarili ninyo sa hindi ninyo pinipithaya na pagtataguyod sa karapatan ng maybahay, at mangingilag kayong magkasala kay Allāh kaugnay sa maybahay, tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 128 Susunod An-Nisā’ • Talata 130