Kung magkakahiwalay silang dalawa, magpapasapat si Allāh sa bawat [isa] mula sa lawak Niya. Laging si Allāh ay Malawak, Marunong. An-Nisā’ 4:130 ⧉
Tafsīr:
Kung magkakahiwalay ang mag-asawa dahil sa isang ṭalāq (diborsiyo mula sa asawa) o isang khul` (pakikipaghiwalay mula sa maybahay), magbibigay-kasapatan si Allāh sa bawat isa sa kanilang dalawa mula sa malawak na kabutihang-loob Niya. Laging si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang awa, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagtatakda Niya.