Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 131 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 131 sa 176 • Tagalog


وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَلَقَدْ وَصَّيْنَا الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَإِيَّاكُمْ أَنِ اتَّقُوا اللَّهَ ۚ وَإِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدًا 131
Pagsasalin:
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Talaga ngang nagtagubilin sa mga binigyan ng Kasulatan bago pa ninyo at sa inyo, na mangilag kayong magkasala kay Allāh. Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Laging si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri. An-Nisā’ 4:131
Tafsīr:
Sa kay Allāh – tanging sa Kanya – ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, at ang pagmamay-ari sa anumang nasa pagitan ng mga ito. Talaga ngang naghabilin si Allāh sa mga May Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano, at naghabilin Siya sa inyo ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Kung tatanggi kayong sumampalataya sa tagubiling ito ay hindi kayo makapipinsala maliban sa mga sarili ninyo sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima ninyo sapagkat sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Siya ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng nilikha Niya, ang Pinapupurihan dahil sa lahat ng mga katangian Niya at mga gawa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 130 Susunod An-Nisā’ • Talata 132