Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 130)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung magkakahiwalay silang dalawa, magpapasapat si Allāh sa bawat [isa] mula sa lawak Niya. Laging si Allāh ay Malawak, Marunong. (130)
Tafsīr
Kung magkakahiwalay ang mag-asawa dahil sa isang ṭalāq (diborsiyo mula sa asawa) o isang khul` (pakikipaghiwalay mula sa maybahay), magbibigay-kasapatan si Allāh sa bawat isa sa kanilang dalawa mula sa malawak na kabutihang-loob Niya. Laging si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang awa, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagtatakda Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: