Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 135)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 135

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ بِالْقِسْطِ شُهَدَاءَ لِلَّهِ وَلَوْ عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَوِ الْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ ۚ إِنْ يَكُنْ غَنِيًّا أَوْ فَقِيرًا فَاللَّهُ أَوْلَىٰ بِهِمَا ۖ فَلَا تَتَّبِعُوا الْهَوَىٰ أَنْ تَعْدِلُوا ۚ وَإِنْ تَلْوُوا أَوْ تُعْرِضُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا 135 ١٣٥

O mga sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagpanatili ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Kung naging isang mayaman o isang maralita, si Allāh ay higit na karapat-dapat sa kanilang dalawa. Kaya huwag kayong sumunod sa pithaya, na baka lumihis kayo. Kung magbabaluktot kayo [ng pagsasaksi] o aayaw kayo, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. (135)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kayo ay maging mga tagapanatili ng katarungan sa lahat ng mga kalagayan ninyo, mga gumaganap ng pagsasaksi sa katotohanan sa bawat isa, kahit pa humiling iyon na umamin kayo laban sa mga sarili ninyo ng katotohanan, o laban sa mga magulang ninyo o mga kaanak na pinakamalapit sa inyo. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamaralita ng isa o ang pagkamayaman niya sa pagsasaksi o pag-ayaw nito sapagkat si Allāh ay higit na karapat-dapat sa maralita at mayaman kaysa sa inyo at higit na nakaaalam sa mga kapakanan nila. Kaya huwag kayong sumunod sa mga pithaya sa pagsasaksi ninyo upang hindi kayo lumihis palayo sa katotohanan doon. Kung pumilipit kayo sa pagsasaksi sa pamamagitan ng pagganap nito ayon sa hindi nauukol dito, o umayaw kayo sa pagganap nito, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba