Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 142)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-gilas sa mga tao at hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang, (142)
Tafsīr
Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapakita ng [pagyakap sa] Islām at paglilingid ng kawalang-pananampalataya samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila dahil Siya ay nagsanggalang sa mga buhay nila sa kabila ng pagkakaalam Niya sa kawalang-pananampalataya nila. Naghanda Siya para sa kanila ng pinakamatindi sa kaparusahan sa Kabilang-buhay. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad habang mga nasusuklam dito habang naglalayon sila ng pagkakita ng mga tao at pagdakila ng mga ito at hindi sila nagpapakawagas para kay Allāh. Hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang kapag nakakita sila sa mga mananampalataya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: