Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-gilas sa mga tao at hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang, An-Nisā’ 4:142 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapakita ng [pagyakap sa] Islām at paglilingid ng kawalang-pananampalataya samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila dahil Siya ay nagsanggalang sa mga buhay nila sa kabila ng pagkakaalam Niya sa kawalang-pananampalataya nila. Naghanda Siya para sa kanila ng pinakamatindi sa kaparusahan sa Kabilang-buhay. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad habang mga nasusuklam dito habang naglalayon sila ng pagkakita ng mga tao at pagdakila ng mga ito at hindi sila nagpapakawagas para kay Allāh. Hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang kapag nakakita sila sa mga mananampalataya.