Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 141 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 141 sa 176 • Tagalog


الَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمْ فَإِنْ كَانَ لَكُمْ فَتْحٌ مِنَ اللَّهِ قَالُوا أَلَمْ نَكُنْ مَعَكُمْ وَإِنْ كَانَ لِلْكَافِرِينَ نَصِيبٌ قَالُوا أَلَمْ نَسْتَحْوِذْ عَلَيْكُمْ وَنَمْنَعْكُمْ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ ۚ فَاللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَلَنْ يَجْعَلَ اللَّهُ لِلْكَافِرِينَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ سَبِيلًا 141
Pagsasalin:
na mga nag-aantabay [sa mangyayari] sa inyo. Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pagkapanalo mula kay Allāh ay magsasabi sila: “Hindi ba kami ay naging kasama sa inyo?” Kung nagkaroon ang mga tagatangging sumampalataya ng isang bahagi ay magsasabi sila: “Hindi ba kami nakapangibabaw sa inyo at nagtanggol kami sa inyo laban sa mga mananampalataya?” Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Hindi gagawa si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang daan [sa pangingibabaw]. An-Nisā’ 4:141
Tafsīr:
[Sila] ang mga naghihintay sa mangyayari sa inyo na kabutihan o kasamaan. Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pag-aadya mula kay Allāh at nakasamsam kayo [sa digmaan] ay magsasabi sila sa inyo: "Hindi ba kami ay naging kasama sa inyo? Nakasaksi kami sa nasaksihan ninyo." [Ito ay] upang magtamo sila mula sa mga samsam sa digmaan. Kung nagkaroon ang mga tagatangging sumampalataya ng isang bahagi ay magsasabi naman sila sa mga ito: "Hindi ba kami tumangkilik sa mga pumapatungkol sa inyo, pumuspos sa inyo ng pagpuspos ng pangangalaga at pag-aadya, at nagsanggalang sa inyo laban sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong sa inyo at pagtatatwa sa kanila?" Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso at [para] gumanti Siya sa mga mapagpaimbabaw dahil sa pamamagitan ng pagpasok sa pinakamababang palapag ng Impiyerno. Hindi gagawa si Allāh, dahil sa kabutihang-loob Niya, para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang katwiran laban sa mga mananampalataya, bagkus gagawa Siya ng magandang kahihinatnan para sa mga mananampalataya hanggat sila ay mga tagapagsagawa ng Batas, na mga tapat ang pananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 140 Susunod An-Nisā’ • Talata 142