Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 146)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 146

إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا وَأَصْلَحُوا وَاعْتَصَمُوا بِاللَّهِ وَأَخْلَصُوا دِينَهُمْ لِلَّهِ فَأُولَٰئِكَ مَعَ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَسَوْفَ يُؤْتِ اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ أَجْرًا عَظِيمًا 146 ١٤٦

maliban sa mga nagbalik-loob, nagsaayos, nangunyapit kay Allāh, at nagpakawagas sa relihiyon nila para kay Allāh sapagkat ang mga iyon ay kasama sa mga mananampalataya. Magbibigay si Allāh sa mga mananampalataya ng isang pabuyang sukdulan. (146)

Tafsīr
maliban sa mga bumalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa pagpapaimbabaw nila, nagsaayos ng kaloob-looban nila, kumapit sa kasunduan kay Allāh, at nagpakawagas sa gawain nila para kay Allāh nang walang pagpapakitang-tao sapagkat ang mga nailalarawan na iyon sa mga katangiang ito ay kasama sa mga mananampalataya sa Mundo at Kabilang-buhay. Magbibigay si Allāh sa mga mananampalataya ng isang gantimpalang masagana.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba