Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 146 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 146 sa 176 • Tagalog


إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا وَأَصْلَحُوا وَاعْتَصَمُوا بِاللَّهِ وَأَخْلَصُوا دِينَهُمْ لِلَّهِ فَأُولَٰئِكَ مَعَ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَسَوْفَ يُؤْتِ اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ أَجْرًا عَظِيمًا 146
Pagsasalin:
maliban sa mga nagbalik-loob, nagsaayos, nangunyapit kay Allāh, at nagpakawagas sa relihiyon nila para kay Allāh sapagkat ang mga iyon ay kasama sa mga mananampalataya. Magbibigay si Allāh sa mga mananampalataya ng isang pabuyang sukdulan. An-Nisā’ 4:146
Tafsīr:
maliban sa mga bumalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa pagpapaimbabaw nila, nagsaayos ng kaloob-looban nila, kumapit sa kasunduan kay Allāh, at nagpakawagas sa gawain nila para kay Allāh nang walang pagpapakitang-tao sapagkat ang mga nailalarawan na iyon sa mga katangiang ito ay kasama sa mga mananampalataya sa Mundo at Kabilang-buhay. Magbibigay si Allāh sa mga mananampalataya ng isang gantimpalang masagana.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 145 Susunod An-Nisā’ • Talata 147