Ano ang mapapala ni Allāh sa [sa pagdulot] pagdurusa sa inyo kung nagpasalamat kayo at sumampalataya kayo? Laging si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam. An-Nisā’ 4:147 ⧉
Tafsīr:
Walang pangangailangan kay Allāh sa pagpaparusa sa inyo kung nagpasalamat kayo sa Kanya at sumampalataya kayo sa Kanya sapagkat Siya – pagkataas-taas Siya – ay ang Mabuti, ang Maawain. Pagdurusahin Niya lamang kayo dahil sa mga pagkakasala ninyo. Kaya kung nagtuwid kayo ng gawain, nagpasalamat kayo sa Kanya sa mga biyaya Niya, at sumampalataya kayo sa Kanya sa panlabas at panloob, hindi Niya kayo pagdurusahin. Laging si Allāh ay Tagapagpasalamat sa sinumang kumilala sa mga biyaya Niya kaya magpapasagana siya sa kanila ng gantimpala roon, Maalam sa pananampalataya ng nilikha Niya. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.