Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 148 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 148 sa 176 • Tagalog


لَا يُحِبُّ اللَّهُ الْجَهْرَ بِالسُّوءِ مِنَ الْقَوْلِ إِلَّا مَنْ ظُلِمَ ۚ وَكَانَ اللَّهُ سَمِيعًا عَلِيمًا 148
Pagsasalin:
Hindi nakaiibig si Allāh sa paghahayag ng kasagwaan kabilang sa sinasabi, maliban sa sinumang nilabag sa katarungan. Laging si Allāh ay Madinigin, Maalam. An-Nisā’ 4:148
Tafsīr:
Hindi nakaiibig si Allāh sa paghahayag ng pagsasabi ng kasagwaan, bagkus nasusuklam Siya rito at nagbabanta Siya laban dito, subalit ang sinumang nilabag sa katarungan ay pumayag Siya para rito na maghayag ng pagsasabi ng kasagwaan para sa pagsusumbong ng tagalabag sa katarungan sa kanya, pagdalangin laban dito, at pagganti rito ng tulad sa sinabi nito. Subalit ang pagtitiis ng nalabag sa katarungan ay higit na karapat-dapat kaysa sa paghahayag nito ng kasagwaan. Laging si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga layunin ninyo, kaya mag-ingat kayo sa pagsasabi ng masagwa o paglalayon nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 147 Susunod An-Nisā’ • Talata 149