Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 148)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nakaiibig si Allāh sa paghahayag ng kasagwaan kabilang sa sinasabi, maliban sa sinumang nilabag sa katarungan. Laging si Allāh ay Madinigin, Maalam. (148)
Tafsīr
Hindi nakaiibig si Allāh sa paghahayag ng pagsasabi ng kasagwaan, bagkus nasusuklam Siya rito at nagbabanta Siya laban dito, subalit ang sinumang nilabag sa katarungan ay pumayag Siya para rito na maghayag ng pagsasabi ng kasagwaan para sa pagsusumbong ng tagalabag sa katarungan sa kanya, pagdalangin laban dito, at pagganti rito ng tulad sa sinabi nito. Subalit ang pagtitiis ng nalabag sa katarungan ay higit na karapat-dapat kaysa sa paghahayag nito ng kasagwaan. Laging si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga layunin ninyo, kaya mag-ingat kayo sa pagsasabi ng masagwa o paglalayon nito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: