Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 151)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 151

أُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ حَقًّا ۚ وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا 151 ١٥١

ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya, sa totoo. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak. (151)

Tafsīr
Ang mga tumatahak na iyon sa tinatahakang ito ay ang mga tagatangging sumampalataya, sa totoo. Iyon ay dahil sa ang sinumang tumangging sumampalataya sa mga sugo o sa ilan sa kanila ay tumanggi ngang sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Naghanda Kami para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang parusa sa kanila dahil sa pagpapakamalaki nila laban sa pananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba