Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 152)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 152

وَالَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ وَلَمْ يُفَرِّقُوا بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ أُولَٰئِكَ سَوْفَ يُؤْتِيهِمْ أُجُورَهُمْ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 152 ١٥٢

Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at hindi nagtangi-tangi sa isa man kabilang sa kanila, ang mga iyon ay bibigyan Niya ng mga pabuya nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (152)

Tafsīr
Ang mga sumampalataya kay Allāh, naniniwala sa kaisahan Niya, hindi nagtambal sa Kanya ng isa man, naniwala sa mga sugo Niya sa kalahatan, at hindi nagtangi-tangi sa isa man kabilang sa kanila gaya ng ginagawa ng mga tagatangging sumampalataya bagkus sumampalataya sa kanila sa kalahatan, ang mga iyon ay bibigyan ni Allāh ng pabuyang sukdulan bilang ganti sa pananampalataya nila at mga gawa nilang maayos na namumutawi mula roon. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba