Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 154)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 154

وَرَفَعْنَا فَوْقَهُمُ الطُّورَ بِمِيثَاقِهِمْ وَقُلْنَا لَهُمُ ادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُلْنَا لَهُمْ لَا تَعْدُوا فِي السَّبْتِ وَأَخَذْنَا مِنْهُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا 154 ١٥٤

Nag-angat Kami sa ibabaw nila ng bundok [ng Sinai] dahil sa tipan sa kanila. Nagsabi Kami sa kanila: “Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod.” Nagsabi Kami sa kanila: “Huwag kayong lumabag sa Sabado.” Tumanggap Kami mula sa kanila ng isang tipang mahigpit. (154)

Tafsīr
Nag-angat Kami sa ibabaw nila ng bundok dahilan sa pagtanggap ng kasunduang binigyang-diin sa kanila bilang pagpapangamba upang magsagawa sila ng nasa loob nito. Nagsabi Kami sa kanila matapos ng pag-angat niyon: "Magsipasok kayo sa pinto ng Bahay ng Pinagbanalan habang mga nakayukod sa pamamagitan ng pagyuko ng mga ulo." Kaya pumasok sila, na gumagapang sa mga likod nila. Nagsabi Kami sa kanila: "Huwag kayong lumabag sa pamamagitan ng pangangahas sa pangingisda sa araw ng Sabado," ngunit wala silang ginawa maliban na lumabag sila at nangisda. Tumanggap Kami mula sa kanila ng isang kasunduang matinding pinagtibay dahil doon, ngunit sumira sila sa kasunduang tinanggap sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba