Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 154 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 154 sa 176 • Tagalog


وَرَفَعْنَا فَوْقَهُمُ الطُّورَ بِمِيثَاقِهِمْ وَقُلْنَا لَهُمُ ادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُلْنَا لَهُمْ لَا تَعْدُوا فِي السَّبْتِ وَأَخَذْنَا مِنْهُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا 154
Pagsasalin:
Nag-angat Kami sa ibabaw nila ng bundok [ng Sinai] dahil sa tipan sa kanila. Nagsabi Kami sa kanila: “Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod.” Nagsabi Kami sa kanila: “Huwag kayong lumabag sa Sabado.” Tumanggap Kami mula sa kanila ng isang tipang mahigpit. An-Nisā’ 4:154
Tafsīr:
Nag-angat Kami sa ibabaw nila ng bundok dahilan sa pagtanggap ng kasunduang binigyang-diin sa kanila bilang pagpapangamba upang magsagawa sila ng nasa loob nito. Nagsabi Kami sa kanila matapos ng pag-angat niyon: "Magsipasok kayo sa pinto ng Bahay ng Pinagbanalan habang mga nakayukod sa pamamagitan ng pagyuko ng mga ulo." Kaya pumasok sila, na gumagapang sa mga likod nila. Nagsabi Kami sa kanila: "Huwag kayong lumabag sa pamamagitan ng pangangahas sa pangingisda sa araw ng Sabado," ngunit wala silang ginawa maliban na lumabag sila at nangisda. Tumanggap Kami mula sa kanila ng isang kasunduang matinding pinagtibay dahil doon, ngunit sumira sila sa kasunduang tinanggap sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 153 Susunod An-Nisā’ • Talata 155