Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 155 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 155 sa 176 • Tagalog


فَبِمَا نَقْضِهِمْ مِيثَاقَهُمْ وَكُفْرِهِمْ بِآيَاتِ اللَّهِ وَقَتْلِهِمُ الْأَنْبِيَاءَ بِغَيْرِ حَقٍّ وَقَوْلِهِمْ قُلُوبُنَا غُلْفٌ ۚ بَلْ طَبَعَ اللَّهُ عَلَيْهَا بِكُفْرِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُونَ إِلَّا قَلِيلًا 155
Pagsasalin:
Kaya [isinumpa sila] dahil sa pagkalas nila sa tipan sa kanila, sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh, sa pagpatay nila sa mga propeta nang walang karapatan, sa at pagsabi nila: “Ang mga puso namin ay binalot,” bagkus nagpinid si Allāh sa mga ito dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti. An-Nisā’ 4:155
Tafsīr:
Kaya nagtaboy Kami sa kanila mula sa awa Namin dahilan sa pagkalas nila sa kasunduang binibigyang-diin sa kanila at dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda at paglalakas-loob nila sa pagpatay sa mga propeta at sa pamamagitan ng pagsabi nila kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya: "Ang mga puso namin ay nasa isang panakip kaya hindi nakatatalos ang mga ito ng sinasabi mo." Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila, bagkus nagpinid si Allāh sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kaya walang umaabot sa mga ito na kabutihan kaya hindi sila sumasampalataya maliban sa pananampalatayang kaunti na hindi nagpapakinabang sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 154 Susunod An-Nisā’ • Talata 156